^

Probinsiya

Lawyer-environmentalist nangangamba na sa kaligtasan

Pilipino Star Ngayon

Sa kaso ng sanitary landfill sa Bataan

MANILA, Philippines — Matapos mabigo ang ilegal na pag-aresto sa kanya, lubha nang na-babahala ang isang lawyer-environmenta-list sa kanyang buhay at kaligtasan sa Bataan.

Ayon kay Atty. Beulah Coeli Fiel, pangulo ng Econest Waste Management Corp., ang dating operator ng sanitary landfill sa Hermosa, Bataan, naka­tanggap ng impormas­yon na aarestuhin siya ng  weekend. Aniya sa CCTV footages sa kanyang bahay, mapapanood ang mga umaali-aligid na mga awtoridad na naka­sibilyan.

Sinabi ni Fiel na sa media lamang niya nalaman na nagpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya si Judge Amelita Cruz Corpuz ng Balanga RTC Branch 66, noong Pebrero 14 at hindi rin ito ipinaalam sa kanyang abogado.

Magugunita na inireklamo ni Fiel ang ilang lokal na opisyal ng Hermosa sa Office of the Ombudsman base sa paniniwalang ilegal ang pagpapasara ng kanyang sanitary landfill noong 2020. Paghihiganti naman aniya ng lokal ng pamahalaan ang pagsasampa sa kanya ng kasong paglabag sa Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990.

Pinagbintangan si Fiel na tumatanggap sa kanyang landfill ng “toxic and hazardous wastes” o nakalalasong mga basura na mariin naman niyang itinanggi.

Boluntaryo na ring sumuko si Fiel at nag-lagak ng P120,000 piyansa.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with