^

Probinsiya

Ipinasang mga batas sa Quezon, ibinasura

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Sa pagbabalik ng 8 Bokal na nasuspinde

LUCENA CITY, Philippines — Dahil sa umano’y ilegal na pagsasagawa ng sesyon ng apat na Bokal na pina­ngunahan ni Vice- Gov. Samuel Nantes bilang presiding officer habang suspendido ang walo pang mga Bokal, ang lahat ng mga resolusyon at ordinansa na kanilang ipinasa ay ibinasura ng mayorya ng Sangguniang Panlalawigan (SP).

Sa regular session ng panlalawigang konseho noong Biyernes, ang majo­rity bloc sa pangunguna ni Bokal Sonny Ubana ay nagpasa ng resolution na nagdedeklarang null and void sa lahat ng mga ses­yon at pulong na idinaos at sa lahat ng resolutions and ordinances na ipinasa at inaprubahan gayundin ang lahat ng action na ginawa ng 4 na natitirang kasapi ng minority bloc ng Sanggunian habang suspendido ng 60-araw ang walong Bokal na majority bloc simula Nob. 11,2021.

Sa kanyang privilege speech na may titulong “Good Governance”, binigyang diin ni Bokal Ubana na ang pag-apruba ng 2021 annual budget at 2022 annual investment plan ng probinsiya at lahat ng isinagawang mga resolusyon at ordinansa sa lahat ng sesyon ng SP ng Nob. 12, 2021-Enero 2022 ay walang bisa dahil sa kawalan ng quorum.

Ipinahayag ni Ubana na mali ang minority bloc ng 4 na bokal sa kanilang ginawang pagsagawa ng mga sesyon kahit Sabado at Linggo at pag-apruba ng mga ordinansa at resolutions batay sa DILG Legal Opinion No. 18 Series of 2006 na hango sa kaso ng Avelino vs. Cuenco. Iyan anya ay paso na at binago na ng DILG Legal Opinion No. 12 series of 2013 na hango naman sa kaso ng Zamora vs. Caballero.

Ang walong kasapi ng majority bloc ay pinatawan ng 60-day preventive suspension ng DILG noong Nob. 11, 2021 batay sa reklamong isinampa ni Gov. Danilo Suarez sa Office of the President dahil sa matagal na pagkaantala ng pagpapasa ng 2021 annual budget na kanyang isinisisi sa majority bloc. Pero ikinakatwiran ng majority bloc na maraming sablay sa 2021 annual budget at hindi akma sa COVID response kaya hindi dapat ipasa ng konseho. Gayunman, ipinasa naman ng konseho ang mga memorandum of agreement, accreditation at municipal ordinances sa iba’t ibang bayan na kabilang sa mga ilegal na pinagtibay ng minority bloc.

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with