^

Probinsiya

Salceda: Ratipikadong amyenda sa PSA, biyaya sa mga Pinoy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ang Bica­meral Conference Committee Report tungkol sa House Bill 78 at Senate Bill 2094, na mag-aamyenda sa 85-taon nang Public Service Act (PSA).

Bubuksan ng bagong panukalang batas ang bansa sa pagdagsa ng malalaking dayuhang puhunan dahil aalisin nito ang sobrang higpit na mga alituntunin sa dayuhang pamumuhunan. Ipadadala ito agad sa Pangulo upang lagdaan at maging ganap na batas.

Inilarawan ni Salceda ang HB 78 na siya ang pa­ngunahing may-akda, na “pinakamahalagang reporma, kasunod sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act na likha rin niya at ngayon ay batas na, dahil bubuksan nito hanggang 100% sa dayuhang puhunan ang maraming sektor ng ekonomiya, maliban sa pagpapadaloy at pamamahagi ng kuryente, mga linya ng tubig at imburnal, mga pantalan, mga linya ng gasoline, sasakyang pampasahero.”

Ayon kay Salceda, isusulong din ng CREATE at bagong PSA ang pamumuhunan sa makabagong mga imprastraktura sa mga rehiyon gaya ng bagong bukas na Bicol International Airport sa Albay na kanyang lalawigan, bukod sa edukadong mga manggagawa upang, makasabay ang Pilipinas sa mauunlad na bansa sa mundo.”

“Ito ang pinakamabisang tugon sa nakabiting pag-unlad natin dulot na pagsakal sa dayuhang puhunan na atas ng ­ating 1987 Saligang Batas. Malawakang reporma ito dahil kailangan natin ang dayuhang mga puhunan,” pahayag ni Salceda. “Hindi kataka-takang kulelat tayo sa ating mga kalapit bansa kung dayuhang pamumuhunan ang pag-uusapan. Sa buong ASEAN, tayo ang pinakamahigpit. Gagamutin ito ng bagong PSA,” dagdag nito.

vuukle comment

CREATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with