^

Probinsiya

‘Di bakunado, bawal lumabas at sumakay ng PUVs sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
�Di bakunado, bawal lumabas at sumakay ng PUVs sa Bataan
Passengers pictured at Tandang Sora Jeep Terminal in Visayas Avenue, Quezon City on Oct. 19, 2021. The Department of Transportation is pushing for an increase in passenger capacity of public utility vehicles following the downgrading of Metro Manila's COVID-19 alert level from 4 to 3.
The STAR / Michael Varcas, file

Bagong ordinansa ipinatupad

BALANGA, Bataan, Philippines — Upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19, isang ordinansa ang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan na naglilimita sa paggalaw ng mga indibiduwal na hindi bakunado sa naturang sakit.

Inanunsiyo ito mula sa tanggapan ni Vice Go­vernor Ma. Cristina Garcia makaraang lagdaan ni Gov. Albert “Abet” Garcia ang Provincial Ordinance No.2 Series of 2022. Ang panukala ay inisponsoran ni 1st District Board Member Dr. Godofredo “Bong” Galicia sa Sangguniang Panlalawigan na pinamumunuan ng bise go­bernador.

Sa ilalim ng Section 1 ng ordinansa, ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng mga hindi bakunado dahil sa kanilang medikal na kondisyon at hindi maaaring bakunahan, kasama na ang edad 5-11 na hindi pa kabilang para tumanggap ng bakuna. Gayunman, exempted rito ang mga nangangailangan ng essential goods at services pero dapat na magpakita ng katibayan na masusuportahan ang katwiran nito sa paglabas o paglalakbay.

Kabilang din sa exemption ang mga pumapasok sa trabaho, subalit kailangang magprisinta ng negatibong RT-PCR test result na ginawa sa loob ng 48 oras at isasagawa ito kada 2-linggo ng sariling gastos, o COVID antigen test result na may bisa sa loob ng 24 oras.

Sakop ng regulasyon ang mga hindi residente ng Bataan na nagtatrabaho at naglalakbay sa lalawigan.

Pinahihintulan naman ang ehersisyo sa labas ng bahay subalit kailangang sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols.

Ipinagbabawal sa unvaccinated ang pagpasok sa mga restaurants at iba pang kainan maging indoor o outdoor/al fresco at maging ang pamamasyal o paglilibang, mga pagbisita, pagpasok sa mga mall, hotel, event venues, sports at country club, at iba pang pasilidad lalo na ang closed spaces, mataong lugar at masikip o non-ventilated.

Ang mga hindi bakunado ay bawal sumakay sa mga public utility vehicles (PUVs) maliban kung ito ay para sa essentials.

Nilinaw ni Vice Gov. Garcia na ang mga probisyon sa ordinansa ay “hindi applicable” sa mga partially vaccinated o naka-first dose ng bakuna ng COVID-19. Ang mga lalabag ay may multang P5,000 o pagkakakulong ng hindi hihigit sa isang taon, o pareho, sa tamang pagpapasiya ng hukuman.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with