^

Probinsiya

2 Chinese timbog sa P16 milyong pekeng yosi

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PLARIDEL, Bulacan, Philippines — Arestado ang dalawang Chinese national sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Barangay Intelligence Network sa Bypass Road, Brgy. Bulihan ng bayang ito, kamakalawa ng hapon. 

Sa inisyal na report ni CIDG Provincial Officer P/Lt. Col. Dave Mahilum kay CIDG regional chief P/Lt. Col. Jovit Culaway, kinilala ang mga nadakip na sina Chen Peirong at Cai Shi Chuan, kapwa nasa hustong gulang, re­sidente ng Zamboanga del Sur at Quezon City.

Ganap na alas-3:40 ng hapon nang masukol ang dalawa sa entrapment habang sakay ng isang Isuzu close van na may plakang CAQ-8819 na lulan ang pekeng sigarilyo na Modern at Fortune brand at sumunod na nasabat ang dalawang trailer truck ng Baclayon Trucking Services lulan ang apat na 20 ft. container van na puno ng pekeng sigarilyo.

Ayon naman sa truck helper na si Cesar Santos, kinuha nila ang mga container van sa maliit na yarda malapit sa Pantalan ng Mariveles Bataan.

Tinatayang aabot sa higit P16 milyon ang na­kumpiskang ilegal na kon­trabando ng yosi sa operasyon.

vuukle comment

CIDG

YOSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with