^

Probinsiya

78-anyos amo pinatay, ibinaon ng trabahador!

Ben Serrano - Pilipino Star Ngayon
78-anyos amo pinatay, ibinaon ng trabahador!
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Adelina Pamelar Ligaray, ng Purok 11, Barangay Marcellina, habang ang suspek ay natukoy na si Jay Crison Auron Par­dillo, residente ng Barangay Panaytay; pawang sa Bayugan City. 
Image by RP Ocampo, file

Umangal sa cash advance

BUTUAN CITY, Philippines —  Karumal-dumal ang sinapit ng isang 78-anyos na lola na nagmamay-ari ng isang rubber plantation matapos pa­tayin at ilibing sa putikan ng 21-anyos na sariling trabahador nang tumangging magpabale ng su­weldo ang una sa Bayugan City, Agusan del Sur kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Adelina Pamelar Ligaray, ng Purok 11, Barangay Marcellina, habang ang suspek ay natukoy na si Jay Crison Auron Par­dillo, residente ng Barangay Panaytay; pawang sa Bayugan City. 

Sa inisyal na ulat ng Bayugan City Police, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang krimen.

Nauna rito, nabatid na pinagalitan umano ng matandang biktima ang kanyang trabahador na si Pardillo dahil sa laging bumabale o humihingi ng cash advance para sa kanyang suweldo sa pagtatrabaho sa plantasyon ng una sa Bayugan City sa kabila na hindi pa umano tapos ang work contract nito.

Iginiit umano ng suspek na ibigay ng biktima ang pera nito kaya nagbunsod ng kanilang mainitang pagtatalo.

Sa tindi ng galit, du­mampot ng mala­king bato ang suspek saka ihinataw sa ulo ng ma­tandang amo.

Matapos na mapatay ang amo, ibinaon ng suspek ang bangkay ng matanda sa may maputik na bahagi sa naturang lugar upang maitago ang ginawang krimen.

Humingi naman ng tulong ang mister ng biktima na si Emilio Ligaray, 69, sa pulisya na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek kamakalawa ng gabi.

Sasampahan ng kasong murder ang suspek ngayon araw, ayon sa pulisya.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with