^

Probinsiya

Babaeng guro itinumba sa tapat ng bahay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Babaeng guro itinumba sa tapat ng bahay
Kinilala ang nasawi na si Normita San Juan Bautista, nasa hustong gulang, school teacher ng Tagaytay National High School at residente ng nasabing lugar.
The STAR/File

AMADEO, Cavite, Philippines — Namatay noon din ang isang babaeng guro nang malapitang barilin sa ulo sa tapat ng kanyang bahay sa Brgy.Salaban, ng nasabing bayan ng isa sa limang suspek, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Normita San Juan Bautista, nasa hustong gulang, school teacher ng Tagaytay National High School at residente ng nasabing lugar.

Ang mga suspek na naaresto ay nakilalang sina Amanda Siresena­ Karunasinghe, 59; Celina De Luna, 51, isang dating guro; Antonio Ro­meroso, 53; Benidic Cabasi, 43; at Mark Romeroso, 21, pawang mga residente ng Purok 3, Brgy. Lalaan 2nd, Silang, Cavite.

Lumalabas na ang motibo ng pagpatay sa biktima ay tungkol sa pag-aaring bahay at lupa nito na  kung saan ang mga suspek ay nangu­ngupahan sa kanya at ibi­nenta na walang kamalay-malay ang una.

Nang malaman ng biktima ay nagalit ito na nauwi sa mainitang pagtatalo dahilan upang palayasin nito ang mga suspek  sa kaniyang bahay.

Dito na pinagplanuhan ng mga suspek ang pagpatay sa biktima at umupa pa ng gunman na siyang bumaril sa biktima.— Ed Amoroso

vuukle comment

MARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with