^

Probinsiya

Unvaccinated OFW ang unang 'Omicron case' sa Iloilo City, ayon sa mayor

James Relativo - Philstar.com
Unvaccinated OFW ang unang 'Omicron case' sa Iloilo City, ayon sa mayor
satellite image ng Iloilo City mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Isa na namang kaso ng mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19 ang nakapapasok ng Pilipinas, balita ni Iloilo Mayor Jerry Treñas sa isang Facebook post.

Ayon sa alkalde, ang returning overseas Filipino worker (OFW) ay isang 46-anyos na lalaki at isang seafarer mula sa bansang Kenya. Wala siyang comorbidity ngunit wala pa ring bakuna laban sa COVID-19.

"[He was r]eported COVID-19 positive last December 27. He is a patient from So-oc, Arevalo, Iloilo City," ulat ni Treñas sa isang pahayag ngayong Miyerkules.

"Let us all stay vigilant! Please be safe."

 

 

Narito ang timeline pagdating sa kanyang kaso, ayon sa mayor:

  • ika-12 ng Disyembre (bumaba ng barko sa Kenya, nag-hotel quarantine)
  • ika-14 ng Disyembre (nagnegatibo sa RT-PCR)
  • ika-15 ng Disyembre (bumiyahe sa eroplano mula Kenya patungong Cebu sakay ng Qatar Airways)
  • ika-15 ng Disyembre (dumating ng Cebu, nag-hotel quarantine)
  • ika-18 ng Disyembre (nagnegatibo sa RT-PCR test, nagpatuloy ng quarantine)
  • ika-24 ng Disyembre (bumiyahe sa eroplano mula Cebu patungong Iloilo sakay ng Philippine Airlines, nag-home quarantine)
  • ika-27 ng Disyembre (nagpositibo sa RT-PCR test)

Sinasabing walang close contacts ang nabanggit na 46-anyos na kaso.

Sa kabila nito, inilinaw ng Department of Health (DOH) ang balita at sinabing bahagi pa rin ito ng 14 kaso ng Omicron variant na una nang naiulat.

"That is part of previously reported na," ani DOH-Disease Prevention and Control Bureau director Beverly Ho sa media ngayong umaga.

Aniya, parte pa rin daw ito ng 11 imported cases ng Omicron variant. Bukod pa ito sa tatlong local cases na una nang ni-report ng Kagawaran ng Kalusugan.

Kasalukuyang nasa mas mahigpit na alert level 3 ngayon ang Metro Manila, Rizal, Cavite at Bulacan dahil sa pagdami ng COVID-19 cases na ina-assume nang apektado ng Omicron variant.

Umaapela naman ngayon si Health Secretary Francisco Duque III at Pangulong Rodrgo Duterte na isuspindi ang mga misa't malalaking pagtitipon sa ngayon bilang tugon sa COVID-19 surge.

Martes lang nang umabot sa 5,434 ang baong naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ang pinakamalaki simula noong ika-23 ng Oktubre. Aabot na ngayon sa 2.86 milyon ang nahahawaan ng virus sa bansa habang 51,604 na ang namamatay rito locally.

vuukle comment

ILOILO CITY

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with