^

Probinsiya

Pagbaba ng tubig sa Angat dam, ikinabahala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala si Deputy Speaker at 2nd District Valenzuela City Rep. Eric Martinez na posibleng humantong sa krisis kung magpapatuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam.

 Dahil dito, hinikayat ni Martinez ang lahat ng mga residente sa Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig matapos namang mabigo ang pamahalaan na maabot ang target na 212 metrong level ng tubig sa Angat dam sa pagtatapos ng taong 2021.

 Ayon sa kongresista, lubhang mahirap kung magkakaroon ng krisis sa supply ng tubig sa Metro Manila lalo na at may COVID-19 pandemic.

 Sinabi ni Martinez na mas mababa ito ng 10 metro sa kasalukuyang level nito na nasa 202.80 metro hanggang alas-6 ng umaga nitong unang araw ng Bagong Taon, ayon na rin sa website ng PAGASA.

 Samantala, hinikayat ni Martinez ang pamahalaan ng mga epektibong plan sa nagbabadyang posibleng krisis na naman sa supply ng tubig sa NCR at mga karatig nitong lalawigan.

 Sa tala, ang Angat dam ay siyang pangunahing pinagkukunan ng supply ng tubig kung saan nasa 98 % ng supply ng tubig sa National Capital Region (NCR) ay nasa storage capa­city na 850 milyong cubic meters.

vuukle comment

ANGAT DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with