^

Probinsiya

TRO vs suspensyon ng vice mayor at 7 konsehal, inilabas ng korte

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GUMACA, Quezon, Philippines — Tila maihahalintulad sa kantang “Isang Linggong Pag-ibig” ang nangyayari ngayon sa bayang ito sa paggulong ng isyu ng suspensyon ng kanilang vice mayor at pitong konsehal hanggang maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang korte.

Noong Lunes, Disyembre 20, magugunitang pinatawan ng apat na natitirang Bokal sa Sangguniang Panglalawigan ng 60-day preventive suspension ang vice mayor at pitong konsehal ng Gumaca dahil sa hindi pag-aapruba ng kanilang 2021 annual budget.

Martes ay kaagad namang nagdaos ng sesyon ang tatlong natitirang konsehal at mabilisang ina­prubahan ang kwestyonableng budget. Pero kasabay nito ay nagsampa ng petisyon sa korte ang mga nasuspindeng opisyal upang humingi ng TRO.

Miyerkules ay pinakilos umano ng mayor ng bayang ito na si Webster Letargo ang mga department heads na ihanda na ang mga papeles upang maglabas ng pondo ang pamahalaang bayan para sa mga nakabinbing proyekto.

Huwebes ay nakahanda na ang pamahalaang bayan para sa pagsasagawa ng mga inihanay nilang aktibidad.

Gayunman Biyernes, bisperas ng Pasko ay nakatanggap ng magandang balita ang mga nasuspindeng opisyal nang maglabas ng TRO ang tanggapan ng Vice Executive Judge ng Regional Trial Court-Gumaca ukol sa desisyon ng Sangguniang Panlalawigan na nagpapataw ng 60-day preventive suspension kina Vice Mayor Erwin Caralian, mga Konsehal ng Bayan, Noel Dacillo, Marilou Mendoza, Fernando Manalo, E­lenita Lumenario, Prescilla Gina Magbuhos, Ste­phanie Marquez, at Ramon Reynante Castillo.

Ang nasabing TRO ay pansamantalang nagpapatigil sa suspension sa mayorya ng sanggunian at nangangahulugan lamang na maaari nilang ipagpatuloy ang kanilang mga sinumpaang tungkulin sa kanilang bayan.

vuukle comment

TRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with