^

Probinsiya

3 lalawigan sa Bicol niyanig ng lindol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagulantang ang mga residente na karamihan ay natutulog na matapos na yanigin ng magnitude 4.8 na lindol ang nasa tatlong lalawigan sa Bicol noong Biyernes ng gabi.

Sa tala ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang pagyanig dakong alas-10:28 ng gabi, tectonic in origin ang lindol at may lalim na 20 kilometro sa epicenter nito, 8-kolimetro, southwest sa bayan ng Donsol sa Sorsogon.

Naramdaman ang intensity 5 sa Donsol, intensity 4 sa katabing bayan ng Pilar at sa Jovellar, Albay; intensity 3 sa Legazpi City, Bacacay at Guinobatan, Albay; Irosin at Juban, Sorsogon; Naga City at Canaman sa Camarines Sur.

Naramdaman naman ang intensity 2 sa Ligao City at intensity 1 sa Masbate City.

Ilang aftershocks naman ang naramdaman makaraan ang unang malakas na pagyanig.

Walang naiulat na nasaktan o naging danyos sa lindol na tumama sa Kabikolan.

vuukle comment

BICOL

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with