^

Probinsiya

3 barangay official itinumba sa kasagsagan ng bagyo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 barangay official itinumba sa kasagsagan ng bagyo
Ayon kay Pol. Lt. Aileen Velarde, information officer ng Samar Provincial Police Office (PPO), sa ngayon natukoy na nila ang anim na mga salarin sa naturang pamamaril ngunit hindi na muna nila ito pina­ngalanan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tatlong opisyal ng isang barangay ang pi­nagbabaril hanggang sa mapatay ng armadong kalalakihan sa kasagsagan ng bagyong Odette sa Calbayog City, Samar kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Brgy. Kagawad Jonas Casaljay, Chief Lupon Miguel Galvan, at Chief Tanod Benedicto Dacara, pa­wang mga residente ng Brgy. Cagbanyacao sa Calbayod City.

Ayon kay Pol. Lt. Aileen Velarde, information officer ng Samar Provincial Police Office (PPO), sa ngayon natukoy na nila ang anim na mga salarin sa naturang pamamaril ngunit hindi na muna nila ito pina­ngalanan.

Patuloy rin ang im­bestigasyon ng mga pulis sa motibo sa nasabing krimen na nangyari habang nananalasa ang bagyong Odette.

vuukle comment

PPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with