^

Probinsiya

Most wanted’ timbog sa Zambales

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Most wanted� timbog sa Zambales
Nakilala ang mga naaresto na sina John Dumapit, 50-anyos, binata, security at Christian Meva, 34-anyos, tricycle driver, binata; pawang residente ng naturang lalawigan.
STAR/File

IBA, Zambales, Philippines — Arestado ang dalawang “most wanted persons” (MWPs) sa lalawigang ito matapos ang ikinasang magkahiwalay na manhunt operation ng Zambales Police kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga naaresto na sina John Dumapit, 50-anyos, binata, security at Christian Meva, 34-anyos, tricycle driver, binata; pawang residente ng naturang lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, nagkasa ng manhunt ope­ration ang Iba Municipal Police Station laban kay Dumapit makaraang mag-isyu ng warrant of arrest si Judge Marifi Chua ng Regional Trial Court Branch 70 ng Iba, Zambales noong Enero 18, 2017.

Kamakalawa naman ng umaga nang maaresto si Meva sa bisa rin ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Consuelo Amog-Bocar, Presiding Judge ng Third Judicial Region, Regional Trial Court Branch 71 sa Iba, Zambales na may petsang Disyembre 6, 2021. Ang mga naarestong MWPs ay nakakulong na sa himpilan ng pulisya sa Iba at Sta. Cruz para sa kaukulang dokumentasyon.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with