^

Probinsiya

7 rebeldeng NPA sumuko sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Pitong dating miyembro ng rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA) sa dalawang bayan sa lalawigan ng Quezon ang nagbalik-loob sa pamahalaan at nagpasyang talikuran ang masamang naranasan nila sa kanilang kilusan kamakalawa.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Col. Joel Villanueva, director ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), sumuko sa puwersa ng 1st Infantry Brigade ng Philippine Army sa Infanta, Quezon sina Ronaldo Bacusa alyas “Ka Tong”, 42; Elmer Gurango alyas “Surabo”, 54, at Melanie Avellaneda, 22; pawang kabilang sa Dumagat tribe.

Kasama nilang isinuko sa pamahalaan ang isang M14 armalite rifle, isang shotgun, apat na anti-personnel mine at apat na granada.

Nakipag-ugnayan naman sa lokal na NTF-ELCAC at Local Government Unit (LGU) ng San Andres, Quezon para sa kanilang pagsuko ang apat na mga rebeldeng NPA na sina Oswarlie Ancit alyas “Ka July”, 34, Joseph Ancit alyas “Ralph”, 57; Pedro Bohol alyas “Arjo”, 36, at Jesus Plasan alyas “Pulo”, 57.

Isinuko din ng apat na rebelde sa tropa ng 85th IB-PA ang dalawang cal. 38 revolver.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with