^

Probinsiya

2 sakay ng van mula Quezon City inutas sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang lalaking sakay ng isang van ng hindi nakikilalang mga salarin sa Eco-Tourism Road na sakop ng Barangay Talaan Aplaya sa bayang ito, kamakalawa ng hapon. Ang mga biktima ay nakilala dahil sa mga ID na nakita sa loob ng sinasakyan nilang kulay puting Nissan Urvan na sina Ace Aceron, 38 at Rodolfo Raval, 74, kapwa mga residente ng Bago Bantay, Quezon City.

Ayon sa pulisya, bandang alas-4:20 ng hapon ay kagagaling lamang ng mga biktima sa Lucena City at binabagtas ang kahabaan ng Eco Tourism road at nang bahagyang huminto ay pinaulanan ng punglo ng mga salarin na sinasabing sakay lamang ng motorsiklo. Inaalam na ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

vuukle comment

BARIL

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with