^

Probinsiya

17 kilohan na may daya kinumpiska

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Aabot sa 17 kilohan ang kinumpiska ng puwersa ng West Bajac-Bajac Public Market, Bureau of Fishe­ries and Aquatic Resour­ces, Department of Trade and Industry at Business Permit and Licensing Office dahil sa hindi sakto sa timbang sa mga ibinebentang produkto sa pamilihan sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Ang naturang hak­bang ay bunsod  ng sunod sunod na re­klamo ng mga nami­mili dahilan upang ka­nilang ipagbigay alam sa pamunuan ng nasabing pamilihan ang pandaraya umano sa kilohan ng ilang mga vendors.

Sa isinagawang ope­rasyon ay nabatid na depektibo at hindi rehistrado ang naturang mga kilohan.

Nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ang naturang  mga kilohan na kung saan ay kinakailangang dumaan ang lahat ng mga timbangan sa ca­libration bukod pa sa kaukulang multa na ipapataw sa mga inire­reklamong vendor.

vuukle comment

BAJAC-BAJAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with