^

Probinsiya

Ex-barangay chairman itinumba

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Ex-barangay chairman itinumba
Ayon sa imbestigasyon, alas-4:30 ng hapon ay nakaupo sa kanyang Toyota Fortuner (PQR-557) ang biktima at nagpapakarga ng gasolina sa Berbets Octane Gasoline Station nang sumulpot ang suspek at agad na siya ay pinagbabaril.
STAR/ File

BATANGAS, Philippines —- Patay ang isang dating barangay captain sa Batangas City matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek, kama­kalawa ng hapon sa Sitio Takad, Brgy. Libjo ng lungsod.

Kinilala ni PSMS Teodorico Magboo, may hawak ng kaso ang biktimang si Benedicto Baes ll, residente at dating chairman ng Barangay Pinamucan Proper, Batangas City.

Ayon sa imbestigasyon, alas-4:30 ng hapon ay nakaupo sa kanyang Toyota Fortuner (PQR-557) ang biktima at nagpapakarga ng gasolina sa Berbets Octane Gasoline Station nang sumulpot ang suspek at agad na siya ay pinagbabaril.

Batay sa mga saksi, tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo at sumibat patungo sa hindi pa ma­lamang direksyon kasama ang isa pang kasabwat.

Naisugod pa sa Jesus of Nazareth Hospital ang biktima, pero idineklara na itong dead on arrival.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaslang at ang mga responsable sa nasabing krimen.

vuukle comment

BARIL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with