Bagitong drug pusher dakma sa buy-bust
CAMP NAKAR, LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Arestado ang isang bagitong pinaghihinalaang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation at makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P200,000 sa Barangay Cotta, kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director Col. Joel Villanueva, ang suspek na si Mark Anthony Fajardo, 23, may live in partner.
Dakong alas-12:56 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang buy bust operation sa suspek.
Nakumpiska mula sa kanya ang anim na pakete na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P224,400.00.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest