^

Probinsiya

Rescuer ng tumaob na bangka, nalunod

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Kamatayan ang naging kapalit sa tangka sanang pag-rescue ng isang 25-anyos na lalaki sa nakita nitong tumaob na Banana boat at ikinahulog ng isang babaeng sakay nito, nang malunod kamakalawa ng hapon sa Dalaroy Beach Resort Brgy. Bucana Ternate Cavite.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima na nakilalang si Klenton Pumatada, 25-anyos, binata at  residente ng Brgy. Cabugao, Burdeos, Quezon.

Sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Alfredo Guevarra Jr., ala-1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kalagitnaan ng nasabing beach kung saan sakay ang biktima ng kanyang speed boat at binabaybay ang dagat nang mamataan nito ang isang banana boat na tumaob at ikinahulog ng sakay nitong babae .

Agad na tumalon ang biktima mula sa kanyang speed boat at tinangkang iligtas ang babaeng biktima subalit dahil sa lalim ng dagat at lakas ng alon ay lumubog ito at nahirapang lumangoy.

Hindi agad lumutang ang biktima at inabot ng may ilang oras bago natagpuan ang katawan nito na wala nang buhay.

 Nakaligtas naman ang babaeng tinangka sanang sagipin ng biktima na kasalukuyan ngayong nagpapagamot sa ospital ng Maragondon.

vuukle comment

DROWNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with