^

Probinsiya

P150K pabuya vs ‘killer’ ng tserman

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

JAEN, Nueva Ecija, Philippines — Nag-alok na ng pabu­yang P150,000 ang Pamahalaang Bayan ng Jaen sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makakapagturo sa mga taong pumatay kay Brgy. Chairman Zoilo “Anlo” De Belen sa lalawigang ito.

Ayon kay Jaen Mayor Sylvia Austria, ang P100,000 cash reward ay manggagaling sa kanya habang P50,000 naman ay mula kay town councilor Atty. Sylvester Austria.

Mariing kinondena ng alkalde ang pagpatay kay Kapitan Anlo na matatandaang nangyari noong umaga ng Nobyembre 5, habang siya ay nagdidilig ng mga halaman sa welcome arch ng Barangay Lambakin.

Naihatid na ang napaslang na kapitan sa kanyang huling hantungan nitong Nobyembre 12.

Sa makapagbibigay umano ng impormasyon ay maaaring makipag-ugnayan sa Jaen Police sa mga numerong 0915-952-4422 at 0998-598-5437.

vuukle comment

KILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with