^

Probinsiya

5 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko

Roel Pareño - Pilipino Star Ngayon

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Limang miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa pangingidnap at mga tauhan ng kilalang notoryus na sub-leaders ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa Indanan, Sulu.

Isinuko rin ng mga ito ang anim na mataas na kalibre ng baril sa 1102nd Infantry Brigade na nakabase sa Camp Bud Datu, Barangay Tagbak noong Miyerkules.

Ayon kay Maj. Gen. William Gonzales, commander of Joint Task Force Sulu (JTF-Sulu) and 11th Infantry Division na ang mga isinukong armas ay kinabibilangan ng isang M16, isang M1 Garand rifles, 2 caliber .45 pistols at 2 caliber .357 revolvers.

Kinilala ang mga nagsisuko na sina Bensar Majan alias bunso; Romil Paraja; Yasher Jamalul; Jim­rasil Isnaji; at Roger Kahan.

Sinabi pa ni Gonzales na ang apat sa sumuko ay mga bataan ng nasawing Abu Sayyaf sub-leaders na si Muamar Askali alias Aburami, Alhabsi Misaya, Majan Sahijuan alias Apo Mike, Ben Wagas, at Ben Tattoo, na kilalang sangkot sa pagdukot sa mga banyaga sa sea border ng Pilipinas at Malaysian may ilang taon na ang nakakalipas.

Si Apo Mike, ay ang nasa likod ng pagdukot sa 4 Indonesian fishing crews noong 2020 na napatay sa military operation kasama ang kanyang apat na tauhan sa Tawi-Tawi noong nakalipas na Marso ng taong ito na naging daan para masagip ang kanilang mga bihag.

Sina Askali at Misaya, ay sangkot sa pagdukot sa banyaga at German nationals, na kanilang pinatay noong 2017 matapos mabigong maibigay ang hinihinging ransom sa mga ka­anak nito.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with