^

Probinsiya

Red tide alert nakataas sa 9 bayan sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Red tide alert nakataas sa 9 bayan sa Bataan
Ang mga apektado ng red tide ay sa karagatan ng mga bayan ng Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Pilar, Orion, Limay at Mariveles.
STAR/ File

BALANGA CITY, Philippines — Nagpatupad kahapon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng “shellfish ban” matapos na muling magpositibo sa “red tide toxin” ang karagatang sakop ng 9 na bayan sa Bataan.

Ang mga apektado ng red tide ay sa karagatan ng mga bayan ng Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Pilar, Orion, Limay at Mariveles.

Batay sa pinakahuling water sampling ng BFAR, muling nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) na mas kilala sa tawag na “Red Tide” at tinawag naman ng mga Bataeño na”Masamang Tubig”.

Dahil dito, muling ipinagbawal ng BFAR ang paghango, pagbebenta at pagkain ng shellfish gaya ng tahong, talaba, alimango, alimasag, sulib, biya, alamang at iba pang mga kahalintulad nito na nakukuha sa nasabing katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Paalala ng BFAR, ligtas naman kumain ng mga isdang huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta pakahugasan at lutuin itong mabuti.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with