^

Probinsiya

P600 milyong smuggled goods nasabat sa Cavite

Cristina Timbang, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P600 milyong smuggled goods nasabat sa Cavite
Ang bultu-bultong iba’t ibang goods, gamot, inumin at mga kakanin na pawang mga smuggled na inilulusot ng isang grupo ng Chinese national ang sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang malaking warehouse sa Brgy. Mulawin Tanza, Cavite.
BOC

MANILA, Philippines — Aabot sa P500-P600 milyong halaga ng iba’t ibang produkto na hinihinalang mga ‘smuggled’ ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Tanza, Cavite.

Sa ulat kahapon ng BOC, tinatayang nasa P500 milyon hanggang P600 milyon ang kabu­uang halaga ng mga na­sabat na produkto sa isang bodega sa No. 9172 Antero Soriano Hi-Way, Brgy. Mulawin, Tanza, Cavite.

Kabilang sa mga nakumpiska ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service Field Office (CIIS) at Enforcement and Security Service seized (ESS) kabilang ang mga pagkain at inuming produkto at medical masks.

Kasama sa operasyon ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG).

Armado ng Letter of Authority (LOA) mula kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guevarra, natuklasan ang mga damit, sapatos, bags, at sandals ng mga internasyunal na brands; Chinese iced tea, beers at sodas; at medical grade face masks.

Tinukoy ni Guevarra ang mga nasa likod ng distribusyon ng smuggled na produkto na sina Chinese Nationals Anna Ty at Willy Zhang.

Patuloy ang imbesti­gasyon ukol sa naturang mga iligal na produkto habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong­ paglabag sa Section 1114 ng RA10863 o Customs­ Modernization and Tariff­ Act (CMTA) sa mga sang­­kot dito.

vuukle comment

BOC

SMUGGLED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with