3 patay, 6 sugatan sa salpok ng oil tanker truck

Sa ulat na nakara­ting kay Col. Jonnas Amparo, Deputy Regional Director for Ope­rations, kinilala ang mga nasawi na sina Renne Lansangan, 56 at Retchen Atencio, 31, kapwa pasahero ng tricycle at residente ng Sitio Palao, Baseco; at Eduardo Santos, Jr., driver ng isa pang tricycle at residente ng Barangay Maligaya, Ma­riveles.
STAR/ File

MARIVELES, Bataan, Philippines — Tatlong ka­tao ang nasawi habang anim ang nasugatan matapos na salpukin ng isang mini oil tanker truck ang dalawang tri­cycle at isang bahay sa Barangay Baseco, ng nasabing bayan, ka­ma­kalawa.

Sa ulat na nakara­ting kay Col. Jonnas Amparo, Deputy Regional Director for Ope­rations, kinilala ang mga nasawi na sina Renne Lansangan, 56 at Retchen Atencio, 31, kapwa pasahero ng tricycle at residente ng Sitio Palao, Baseco; at Eduardo Santos, Jr., driver ng isa pang tricycle at residente ng  Barangay Maligaya, Ma­riveles.

Kapwa dead-on-the-spot sina Lansangan at Santos habang si Atencio ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa Maheseco Hospital.

Ang mga nasuga­tan ay kinilalang sina Cesar Villanueva, 59, tricycle driver ng Ba­seco; oil tanker na si Joel Bonzato, 46, ng Duale, Limay; Debina Jallorina, 44, vendor; Adrianne Jallorina, 6; Arlene Bela Ano, 32, house tenant at isang pang residente.

Batay sa ulat, alas-7:30 ng umaga nang bumulusok paibaba ang trak na minama­neho ni Bonzato, ka­ya’t nawalan umano ng kontrol sa manibela at sinalpok ang dalawang  traysikel at pagkatapos ay ang isang bahay kung saan tumapon ang lamang ga­solina.

Kaagad naman dumating sa lugar ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection - Mariveles para bombahin ng tubig ang tumapong gasolina.

Show comments