4 suspek tiklo sa drug bust sa Bukidnon

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang apat na drug pusher sa dalawang araw na anti-illegal drug operations sa Bukidnon na kung saan ay nasamsam ang nasa P106,400 halaga ng droga.

Sa ulat ni Maj. Jiselle Lou M. Longakit, spokesperson ng Bukidnon police office, na ang anti-drug bust ay isinagawa noong Lunes at Martes.

Kinilala ang mga suspek na sina Uzzel Jennifer Cablay, alyas “Balot,”ng Aglayan, Bukidnon; Samson Empredo 32; Jerson Samson; 34; at Mark Salapang, 29, kapwa residente ng Pobla­cion, Valencia City, Bukidnon.

Unang naaresto si Cablay sa buy-bust ope­ration noong Lunes at nakuha sa kanya ang 12.68 gramo na nagkakahalaga ng P86,000 at kinabukasan ay sina Empredo, Samson at Salapang.

Nakatakdang kasuhan ang apat ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Show comments