DOST-12 assistant director sugatan sa pamamaril

KORONADAL CITY, Philippines — Nasugatan ang isang assistant di­rector ng  Department of Science and Technology (DOST) Region-12 nang ito ay barilin, kamakalawa ng gabi sa labas ng ka­nilang bahay sa Mabini Street, Barangay Zone 4 ng lungsod na ito, kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Normina Pahm, 55 na nagtamo ng tama ng bala sa balikat na agad dinala sa ospital ng mga barangay tanod.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:00 ng umaga ay nasa labas ng kanilang bahay si Pahm na naghihintay ng kanyang service vehicle nang dumaan ang isang pick-up truck lulan ng dalawang lalaki kung saan isa rito ang bumaril sa biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay dinala ng mga nagpapatrulyang tanod sa ospital.

Ayon sa mga ka­sama sa trabaho ni Pahm na wala silang alam na may kaaway ito at hindi rin ito nakakatanggap ng death threat bago ang insidente.

Show comments