Bangkay ng babae sa loob ng sasakyan, nadiskubre

MANILA, Philippines — Masusing imbesti­gasyon ang isinasa­gawa ngayon ng pulisya matapos ang pagkakadiskubre ng bangkay ng isang babae na tadtad ng saksak sa katawan at laslas sa leeg sa loob ng kanyang SUV kamakalawa sa Barangay Inangayan, Sta. Barbara, Iloilo.

Umaalingasaw at naaganas na ang bang­kay Claire Diergos­, 36, ng Dagsaan, Bue­na­­vista, Guimaras sa loob ng sasak­yang naka­pa­rada sa nabanggit na  lugar.

Ayon kay Lt. Loen Cachila, team leader ng Regional Crime Laboratory 6, ipinagbigay alam sa kanila ng mga tanod ang na­tagpuang bangkay sa loob ng  SUV na tat­long araw nang nakapa­rada.

Lumabas sa imbes­tigasyon na ang nasa­bing SUV ay pagma­may-ari ni dating San Dionisio, Iloilo Mayor Peter Paul Lopez at binili ni Diergos sa ha­lagang P850,000.

Pinag-aaralan din ng pulisya ang paha­yag ng ilang residente  na isang lalaki at babae ang nag-iwan ng  sasakyan sa lugar.

Show comments