Mag-live in kinatay sa loob ng bahay

MANILA, Philippines — Taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ti­namo at dahilan ng pagkamatay ng mag asawang caretaker na natagpuan sa Talakag, Bukidnon, kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Dennis Morata at Josephine Ramos.

Ayon sa ulat, huling nakita ang mga biktima sa kanilang bahay na may mga bisita.

Tatlong katao na sinasabing bisita ng mga biktima na pinagkape pa ng mag-lover.

Makalipas ang ilang oras ay nakita na lamang ang mga biktima na naliligo sa sariling dugo.

Nananawagan ang mga kaanak na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng mga biktima at madakip ang mga salarin.

Show comments