Krisis sa kuryente nagbabadya sa Bantayan Island

Ito ay matapos aminin ng local power distributor na Bantayan Island Electric Cooperative (Banelco) na ang gusto nilang generation firm na Isla Norte Energy Corp. o INEC ay maniningil ng mas mataas na rate kesa sa umiiral na electricity provider, ang Bantayan Island Power Corp. (Bipcor).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagbabadya umano ang krisis sa kuryente sa Bantayan Island sa hilagang lalawigan ng Cebu dahil sa paligsahan sa pagitan ng dalawang bidder na hindi pa rin nareresolba ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ito ay matapos aminin ng local power distributor na Bantayan Island Electric Cooperative (Banelco) na ang gusto nilang generation firm na Isla Norte Energy Corp. o INEC ay maniningil ng mas mataas na rate kesa sa umiiral na electricity provider, ang Bantayan Island Power Corp. (Bipcor).

Ang gulo ay sa gitna ng papalapit na pag-expire ng 15-taong kontrata ng Bipcor sa Nobyembre 8, 2021 habang ang ERC ay nananatiling wala pang desisyon sa Draft Power Supply Agreement (PSA) na inihain ng INEC.

Gayunpaman,  itinaas ng Bipcor ang mga legal na kahinaan ng kasunduan sa pagitan ng INEC at Banelco, na sinasabing ang mga bid at award committee ay hindi sumunod sa mga patakaran nang pumili at magdesisyon ito pabor sa Vivant ­Energy Corp., ang holding company ng INEC, na ­nakibahagi sa bidding.

Show comments