Kelot na nagdabog nang utusan, pinatay ng bayaw

Kinilala ang biktimang si Joaquin Escamilla, 57, habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Jose Franky Valentin, 45, kapwa residente sa Sitio Tamonoc, Barangay Buga, Igbaras, Iloilo.

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi nang pagsasaksakin ng kanyang bayaw nang ito ay magdabog matapos utusan na patayin ang ilaw,naganap sa Igbaras,Iloilo City, ka­makailan.

Kinilala ang biktimang si Joaquin Escamilla, 57, habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Jose Franky Valentin, 45, kapwa residente sa Sitio Tamonoc, Barangay Buga, Igbaras, Iloilo.

Batay sa report ng Igbaras Municipal Police Station, naganap ang krimen, alas-8:30 ng gabi sa loob ng bahay ng suspek.

Bago ang insidente, nag-iinuman  ang magbayaw sa loob ng bahay ng suspek at nang malasing ang mga ito nagpasya na silang matulog.

Dito,inutusan ng suspek ang biktima na patayin ang ilaw bagkus sinunod ng huli ang utos ay nagbubulong pa ito at nagdabog na tila labag sa kanyang kalooban.

Nabuwisit ang suspek kaya kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak sa dibdib at tagiliran ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Matapos ang pananaksak mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nabatid na dati na rin may alitan ang suspek at biktima matapos umanong saksakin ng huli ang una subalit hindi niya ito napuruhan.

Show comments