Pagpapakawala ng tubig sa 3 dam sa Luzon patuloy
MANILA, Philippines — Dahil pa rin sa severe tropical storm ‘Maring’ ay patuloy na nagpapakawala ng tubig ang mga dam ng Ambuklao, Binga, at Magat kahapon.
Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), apat na gate ng Ambuklao Dam ang binuksan sa 2.0 metro.
Habang tatlong gate naman ang binuksan sa Binga Dam sa Benguet ng 1.5 metro.
Nagbabala naman ang PAGASA sa mga residente ng apektadong dam sa posibleng pagbaha.
Samantala, isang gate ang binuksan ng Magat Dam sa Isabela ng 1.0 metro.
- Latest