^

Probinsiya

Pader ng bahay bumigay: 4 katao patay

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon
Pader ng bahay bumigay: 4 katao patay
Sa ulat ng Pangasinan police provincial office, kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Aquino, 26; Jasmine Stocapio, 22; anak nilang si Mary Jane, 3, kapwa residente ng nasabing barangay at pamangkin na si John Christian Salvatierra, 7, residente ng Barangay Artacho ng nasabing bayan.
STAR/ File

SISON, Pangasinan, Philippines — Patay ang mag-asawa, kanilang anak at pamangkin ma­­tapos mabagsakan ng pader ng kanilang bahay na niragasa ng putik­ sa Sitio Pilawan, Brgy. Sagunto, kama­kalawa.

Sa ulat ng  Pangasinan police provincial office, kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Aquino, 26; Jasmine Stocapio, 22; anak nilang si Mary Jane, 3, kapwa residente ng nasabing barangay at pamangkin na si  John Christian Salvatierra, 7, residente ng  Barangay Artacho ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, alas-6:10 ng gabi ay nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima ng mga sandaling iyon ay malakas ang buhos ng ulan dulot ng bagyong Maring.

Ilang sandali ay rumaragasa ang putik na tumama sa bahay ng mga biktima na kung saan ay bumagsak ang pader at nalibing ng buhay ang mga ito.

Agad namang nagsagawa ang mga pulis, BFP at MDRRMO at rural health unit (RHU) ng retrieval at rescue operation.

Narekober agad ang mga bangkay ng mga biktima.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with