Pulis arestado sa kotong sa Rizal
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang pulis ang inaresto dahil sa pangongotong sa San Mateo, Rizal,kamakalawa.
Kinilala ang naarestong pulis na si Staff Sergeant June Antonio Angeles, nakadestino sa San Mateo police station.
Ang pulis ay inaresto ng mga element IMEG operatives matapos tanggapin ang 2 pirasong P500 na marked money sa isang entrapment operation sa kahabaan ng SSS road, Barangay Gitnang Bayan, pasado alas-4:15 ng hapon.
Ang pagsasagawa ng operation matapos na magreklamo sa IMEG ang isang Jenny Natividad, misis ng isang preso na hinihingian ng pulis ng pera kapalit ng pagpapalaya dito.
Kinumpiska sa pulis ang kanyang baril at mga bala at nahaharap sa kasong administration at criminal dahil sa extortion. Nakakulong na ang pulis sa IMEG custodial.
- Latest