^

Probinsiya

Mister na naglalakad, itinumba ng 2 lalaki

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Mister na naglalakad, itinumba ng 2 lalaki
Ayon sa imbestigasyon ni PCpl.Eduardo Nartea, Jr., alas 4:00 ng hapon ay naglalakad ang biktima nang buntutan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na kapwa nakasuot ng itim na bull cap at mga face mask.
STAR/ File

LUCENA CITY, Philippines — Sabog ang ulo, nagka­butas-butas ang katawan at namatay noon din ang isang dating sekyu matapos paulanan ng bala ng dalawang hindi nakikilalang lalaki ka­makalawa ng hapon sa Green hills Phase 2,Barangay Market View.

Batay sa ulat ni PLt.Col.Romulo Albacea, chief of police dito, nakilala ang biktima na si Allan Rivera, 59, may-asawa at residente ng Greenhills Phase 3 sa nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon ni PCpl.Eduardo Nartea, Jr., alas 4:00 ng hapon ay naglalakad ang biktima nang buntutan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na kapwa nakasuot ng itim na bull cap at mga face mask.

Nang makakuha ng tiyempo ay malapitang pinagbabaril ang biktima.gamit ang kalibre 45 saka naglàkad lamang na tumakas.

Inalis ng pulisya ang anggulong pagnanakaw dahil hindi tinangay ng mga salarin ang sling bag ng biktima na nàglalaman ng cellphone at cash na mahigit sa P2,000 .

Narekober ng SOCO sa crime scene ang 14 na basyo ng kalibre 45 at isang bala ng nabanggit na kalibre ng baril.

vuukle comment

ROMULO ALBACEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with