^

Probinsiya

Sekyu, nilamon ng dagat

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang secuty guard ang nasawi matapos tangayin ng alon ng dagat nang  mahulog habang nagsasagawa ng inspection sa seaport sa bayan ng Claveria sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Claveria Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang nasawing biktima na si Pedro Sanjilan, 27, residente ng Barangay Centro 3 sa nasabing bayan.

Batay sa inisyal na ulat ng MDRRMO Claveria, alas-7:30 ng umaga ay kasalukuyan umanong nagsasagawa ng inspection ang biktima sa kanyang binabantayang seaport dahil sa banta ng bagyong Maring nang aksidenteng madulas at mahulog sa dagat bago tuluyang tangayin ng malakas na alon.

Agad naman na rumesponde ang mga kagawad ng Maritime at Rescue 41  na nagdala sa biktima sa Rural Health Unit sa nasabing bayan subalit idineklara itong dead-on-arrival.

vuukle comment

MDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with