7 katao arestado sa ‘hot logs’
MANILA, Philippines — Pitong katao ang naaresto sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operasyon ng forest products sa Guiguinto at Norzagaray, Bulacan.
Sa Norzagaray, dalawang katao ang inaresto dahil sa iligal na pagbebenta ng forest products na kinabibilangan ng 27 flitches ng teak wood at 7 flitches of kamagong na may sukat na 230 board feet at may halagang P35,750.00.
Naaresto naman ng Anti-Illegal Logging Task Force (AILTF) na pinamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang limang katao sa Guiguinto matapos maaktuhang may posesyon ng 24 molave flitches na may halagang P424,850 na nakatago sa dalawang luxury vans na kinalululanan ng limang suspek na pawang mga residente ng Ifugao province.
Ang AILTF ay kinabibilangan ng mga personnel mula sa Philippine National Police, DENR, Department of the Interior and Local Government, Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines.
- Latest