^

Probinsiya

Bumili ng burger dedo sa gulpi

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Bumili ng burger dedo sa gulpi
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jessie Boy Castro,may-asawa at residente ng nasabing barangay.

LOPEZ, Quezon, Philippines — Basag ang bungo at namatay noon din ang isang 58-anyos na magsasaka na bibili lamang ng burger matapos na ito ay pagtulung-tulungang gulpihin at bagsakan ng bato ng tatlong lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay Magallanes sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jessie Boy Castro,may-asawa at residente ng nasabing barangay.

Nakatakas naman ang mga salarin matapos na isagawa ang krimen, subalit nakilala ang isa sa kanila na si Bernardino De la Torre, 34 habang ang mga kasama nito ay kinilala lamang sa mga alyas na Pugoy at Itcho.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:30 ng gabi ay nagtungo ang biktima at dalawang kaibigan sa isang burger store upang bumili nang dumating ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Pagkakita umano sa biktima ay kinompronta ito ng mga suspek saka pinagtulungang gulpihin at nang bumulagta ay binagsakan pa ng malaking bato sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Pinagbantaan umano ng mga suspek ang dalawang kasama ng biktima kung kaya hindi nila ito nagawang maipagtanggol.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with