^

Probinsiya

Holdaper gumamit ng laruang baril, arestado ng mga biniktima

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Nabua, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang holdaper matapos pumalag at pagtulu­ngang maaresto mismo ng kanyang mga nabiktima sa panulukan ng Bgy. Tandaay at Bgy. Topas ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Sinampahan na ng kaso ang suspek na kinilalang si Mark Niel Tuyay Ramos, 33, residente ng Brgy. Buluang, Bato.

Kinilala naman ang magkaibigang biktima na si John Paul Verano, 21,residente ng Brgy. Topas Proper at Aljon Ani Blasco,19, ng Zone-1, Brgy. Tandaay.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, hawak ang kani-kanilang cellphone at naglalaro ng mobile legend ang dalawa habang nakaupo sa tabi ng kalsada nang biglang dumating ang suspek lulan ng Suzuki Smash na motorsiklo na may plate number na EA-95721.

Agad na tinutukan ng baril ng suspek ang mga biktima at nagdeklara ng holdap kaya napilitang ibigay ang kanilang cellphone.

Gayunman, habang isinisiksik sa kanyang beywang ang baril ay biglang dinaluhong ng mga biktima ang suspek at sa tulong ng tatay ni Blasco ay naagaw nila ang baril at naigapos ang suspek.

Nang dumating ang mga rumespondeng pulis doon nadiskubre na laruan lang ang gamit na baril ng suspek sa panghoholdap.

vuukle comment

SUZUKI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with