^

Probinsiya

Dalagita, nilasing muna bago ni-rape

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Pinagsamantalahan ng isang binata ang 17-anyos na dalagita na la­sing na lasing kamakalawa ng umaga sa Brgy. San Rafael IV ng nasabing siyudad.

Kinilala  ang naa­restong suspek na si Andrew Cayetano, 20, binata ng Block 13, Phase 2, Area H, Brgy. San Rafael IV ng nasabing siyudad.

Habang ang biktima ay itinago sa pangalang Cecil, 1st year Crimino­logy student at residente ng Brgy. Sta. Cruz II ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakipag-inuman umano ang biktima sa suspek kasama ang ilang kaibigan at nang mala­sing ang una ay kinumbinsi nito na sa kuwarto na niya matulog at magpalipas ng magdamag.

Dakong alas 7:00 ng umaga nang maramdaman ng biktima na may nakapatong sa kanyang hubad na katawan at nakita niya ang suspek na nakahubad at siya ay pinagsamantalahan.

Matapos ang panghahalay, tinakot ng suspek ang dalagita na huwag magsusumbong sa mga magulang dahil papatayin niya ang mga ito.

Hindi natakot ang biktima, at nang makauwi ng bahay ay agad itong nagsumbong sa kanyang mga magulang at doon na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at nasakote ang suspek sa bahay nito.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with