^

Probinsiya

4 preso todas sa bigong jailbreak

Doris Franche, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 preso todas sa bigong jailbreak
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesman Chief Insp. Xavier Solda, ang mga nasawing Person Deprived of Liberty ay hinihinalang miyembro ng communist terrorist group na NPA na nagawang makumbinsi ang iba pa upang isagawa ang nasabing pagtakas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Apat na preso  na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay, habang sugatan ang isang  jailguard nang magsagupa matapos ang tangkang jailbreak kahapon sa Liangga Jail District sa Surigao del Sur.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  spokesman Chief Insp. Xavier Solda, ang mga nasawing Person Deprived of Liberty ay hinihinalang miyembro ng communist terrorist group na NPA na nagawang makumbinsi ang iba pa (PDLs) upang isagawa ang nasabing pagtakas.

Nabatid na naganap ang shootout dakong alas-7:00 ng umaga kahapon nang atakihin ng  11 preso ang  mga jailguards na nagbukas ng  gate para sa ihahandang almusal.

Sinabi ni Solda na na-overpower ng  11 nagtangkang tumakas ang naka-duty na jailguard kaya nakalapit sa  second gate. Nagwarning shot ang duty jailguard subalit sinugod din ng  mga preso.

Agad namang ru­mesponde ang iba pang duty personnel na nagresulta sa palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang  apat habang  sugatan ang isang  jailguard dahil sa tinamong saksak.

“Magbabantay pa rin kami ng mabuti sa aming pasilidad at magsisilbi kami sa ating mga PDL sa abot ng aming makakaya upang matulungan natin sila sa kanilang pagbabagong buhay,” dagdag pa ni Solda.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with