^

Probinsiya

PNPA cadet, patay sa 5 suntok ng upperclassman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNPA cadet, patay sa 5 suntok ng upperclassman
Sa isang statement nitong Biyernes, kinumpirma ni P/Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng PNPA Public Information Office (PIO) ang pagkamatay ng biktimang si Cadet 3rd Class Karl Magsayo ng Zamboanga City at kasapi ng PNPA Batch 2024.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 3rd Class cadet ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos na umano’y mapag-tripan ito ng kaniyang upperclassman at suntukin ng limang beses sa sikmura sa hinihinalang hazing sa akademya.

Sa isang statement nitong Biyernes, kinumpirma ni P/Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng PNPA Public Information Office (PIO) ang pagkamatay ng biktimang si Cadet 3rd Class Karl Magsayo ng Zamboanga City at kasapi ng PNPA Batch 2024.

Base sa report ng Silang Municipal Police Station (MPS), ang 21-anyos na si Magsayo at kaibigan nito ay nagtungo sa kuwarto sa dormitory ng suspek na si Cadet 2nd Class Steve Cesar Maingat bandang alas-5:40 ng hapon noong Huwebes.

Ilang saglit pa ay pinagsusuntok na umano ni Maingat si Magsayo ng limang beses sa sikmura bunsod upang mawalan ito ng ulirat.

Sinabi ni Gonzaga na si Magsayo ay mabilis na isinugod sa Qualimed Hospital ng nasabi ring araw pero idineklara na itong dead-on-arrival dakong alas-6:43 ng gabi. Nasa kustodya na ng pulisya ang suspek at nakatakdang isailalim sa inquest proceeding sa Lunes, Setyembre 27.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa dahilan ng panununtok ni ­Maingat sa nasabing under classman. Isinailalim na rin sa autopsy ang labi ni Magsayo.

Ipinag-utos na ni PNPA Director P/ Major General Rhoderick Armamento ang pagbuo ng Special Investigating Task Group (SITG)-Magsayo sa pamumuno ni Chief of Staff P/Col. Atty. Ernesto Tendero bilang Tactical Group Commander upang alamin ang mga kaganapan sa pagkamatay ng nasabing kadete upang mabigyan ng hustisya ang biktima.

Tiniyak naman ng opisyal na nanatili ang mahigpit na polisiya ng PNPA sa “No To Hazing Policy” at ang mataas na respeto sa buhay at karapatan ng mga kadete at personnel ng akademya.

Noong Hulyo 2020, dalawang kadete rin na kasapi ng PNPA Class of 2024 ang nasawi sa loob ng aka­demya. Si Cadet 4th Class Kenneth Ross Alvarado ay namatay sa heat stroke noong Hulyo 8 habang  si Cadet 4th Class ­Jiary Jasen Papa ay namatay naman sa mababang potassium intake noong Hulyo 11 ng nasabi ring taon.

vuukle comment

PNPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with