^

Probinsiya

Drug trafficker utas sa shootout, 6 pa timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Drug trafficker utas sa shootout, 6 pa timbog
Arestado naman sa operasyon ang mga suspect na sina Ajing Samad, Abdu Nungi, Eyan Dugasan, Ceasar Aradais, Dugasan ­Istuala at Mursidin Jalling.
Boy Santos/ Fil

MANILA, Philippines — Patay ang isang pinaghihinalaang notoryus na drug trafficker, anim pa ang nasakote habang P13.6-M halaga ng shabu ang nasamsam matapos na mauwi sa shootout ang drug bust operation sa Parang, Sulu kamakalawa.

Kinilala ang na­paslang na drug trafficker na si Mirahull Manglawi na nanlaban sa nasabing anti-drug operation ng pinagsanib na elemento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) BARMM at Sulu Provincial Police Office (PPO).

Arestado naman sa operasyon ang mga suspect na sina Ajing Samad, Abdu Nungi, Eyan Dugasan, Ceasar Aradais, Dugasan ­Istuala at Mursidin Jalling.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang magsagawa ng anti-drug operation ang mga awtoridad sa Parang, Sulu. Gayunman sa halip na magsisuko ay nakipagbarilan ang mga suspect sa mga operatiba na nauwi sa shootout ng magkabilang panig.

Tinangka pa ng mga suspect na magsitakas lulan ng motorized na bangka pero nakorner ang mga ito ng mga awtoridad. Napatay ang isa sa mga suspect habang naaresto ang anim pa.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon, buy-bust money at mobile cellphone.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with