^

Probinsiya

9 nurses, 1 doktor ng Batanes ­General Hospital, positibo sa COVID-19

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
9 nurses, 1 doktor ng Batanes ­General Hospital, positibo sa COVID-19
Ayon sa ulat, ang 9 na mga nurses, kabilang si Dr. Jeff Canceran, ang chief ng BGH, ay posibleng nahawa sa ilang mga pasyente na kanilang ginagamot sa nasabing hospital.
The STAR/Walter Bollozos, file

BASCO, Batanes, Philippines — Nababahala ngayon ang pamunuan ng Batanes General Hospital (BGH) matapos magpositibo sa COVID-19 ang 9 sa mga nurses kabilang na ang mismong chief of hospital sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, ang 9 na mga nurses, kabilang si Dr. Jeff Canceran, ang chief ng BGH, ay posibleng nahawa sa ilang mga pasyente na kanilang ginagamot sa nasabing hospital.

Inihayag naman ni Dr. Glen Matthew Baggao, chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na magpapadala sila ng mga karagdagang nurses sa Batanes upang hindi makompromiso ang serbisyong medical sa lalawigan.

Kasabay nito ay nagpadala na rin ang CVMC ng mga karagdagang Personal Protective Equipment o PPE sa BGH para may magamit ang mga medical personnel doon.

Sinabi rin ni Baggao na nakahanda rin silang tanggapin ang mga ­pas­yenteng severe dahil sa COVID-19 mula sa Batanes.

Sa pinakahuling talaan ng DOH, nasa 282 na ang aktibong kaso ng COVID sa buong lalawigan matapos ma­dagdagan ng 32 na bagong kaso nitong Biyernes.

Nasa 17 lamang ang kabuuan na tinamaan ng COVID-19 sa buong Batanes simula noong nakalipas na taon, su­balit nitong September ay agad na nagtala ang lalawigan ng 282 na kaso.

Sa kabuuan ay nasa 299 ang kaso sa lalawigan, 17 ang gumaling habang walang naitalang nasawi.

vuukle comment

BGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with