Babaeng angkas durog ang ulo sa tanker truck
HERMOSA, Bataan, Philippines — Nadurog ang ulo ng isang back rider nang araruhin ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng paparating na tanker truck sa Roman National Road sa Barangay Palihan sa bayang ito, kamakalawa ng umaga
Kinilala ang namatay na si Jonabel Catahan, 30-anyos ng Barangay Mandama ng nabanggit na bayan habang sugatan naman ang kasamang driver.
Sa inisyal na imbestigasyon, alas-9:00 ng umaga ay binabaybay ng dalawang biktima ang nasabing highway kung saan mula sa kanilang likuran ay paparating ang humaharurot na tanker track na kung saan ay nahagip ang motorsiklo at pumailalim si Catahan.
Habang tumilapon naman sa di kalayuan ang rider na si Philip Bermudo, 23, nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan.
Kaagad ding nasawi si Catajan matapos magulungan ang ulo ng tanker truck.
Nahaharap naman ang driver ng truck na si Rey Hemota sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injury na nasa kustodiya ng pulisya.
- Latest