^

Probinsiya

4 drug pusher timbog sa higit P40 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
4 drug pusher timbog sa higit P40 milyong shabu
Kinilala ang mga sus­pek na sina Kamarudin Unsay Abdulwahid; Nasrudin Abdul Mamogkat, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Block 2, Lot 16 Katherine Town Homes, Molino III ng lungsod; Asban Konakon Sakandal; at Jerry Mamugat Sangkala, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Molino 4.
STAR/ File

BACOOR CITY, Cavite , Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang 4 na hinihinalang bigtime­ pusher/dealer ng shabu­ sa magkasunod na  buy- bust operation sa dala­wang barangay ng lung­sod na ito, kamakalawa.

Kinilala ang mga sus­pek na sina Kamarudin Unsay Abdulwahid; Nasrudin Abdul Mamogkat, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Block 2, Lot 16 Katherine Town Homes, Molino III ng lungsod; Asban Konakon Sakandal; at Jerry Mamugat Sangkala, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Molino 4.

Sa ulat, nagkasa ng magkasunod na buy-bust operation ang pi­nagsanib na puwersa­ ng PDEA RO IV-A, Team RSET, Cavite PPO at  Bacoor CPS sa Brgy. Molino 3 at 4.

Unang operasyon, alas-11:30 ng umaga­ ay naaresto ang mga suspek na sina Sakandal at Sangkala sa Mo­lino Vallejo Wet and Dry Market, Brgy.Molino 4 kung saan nakuhanan ng mahigit sa 500 gramo ng shabu na aabot sa mahigit kumulang sa P3.4 mil­yon.

Ang ikalawang buy-bust ay ikinasa, dakong alas-2:50 ng hapon sa Molino 3, kung saan naaresto sina Abdulwahid at Mamogkat sa kanilang bahay sa Block  2, Lot 16 Kathe­rine Town Homes at nakuhanan nang mahigit sa 5 kilo ng shabu na aabot sa P36 mil­yon.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with