^

Probinsiya

Konsehal inaresto sa kidnapping at rape

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Konsehal inaresto sa kidnapping at rape
Batay sa ulat na tinanggap ni Quezon PNP Provincial Director PCol.Joel Villanueva,kinilala ang dinakip na si Councilor Manuel Arkie Yulde, 50, may live in partner at residente ng Barangay Burgos, Lopez,Quezon.
STAR/ File

LOPEZ, Quezon, Philippines — Inaresto kamakalawa ng gabi ng mga otoridad ang incumbent municipal councilor ng bayang ito  dahil sa reklamong pangingidnap at panggagahasa umano sa 18-anyos na babaeng pamangkin ng kanyang live in partner.

Batay sa ulat na tinanggap ni Quezon PNP Provincial Director PCol.Joel Villanueva,kinilala ang dinakip na si Councilor Manuel Arkie Yulde, 50, may live in partner at residente ng Barangay Burgos, Lopez,Quezon.

Si Yulde ay ­inaresto sa kanyang bahay dakong alas-7:30 ng gabi ng mga operatiba ng Quezon Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ilalim ng pamumuno ni Lt.Col.Ariel Hueca kasama  ang ilang operatiba ng Lopez at Catanauan PNP at 1st Quezon Provincial Mobile Force Company batay sa ipinalabas na dalawang warrant of arrest na inisyu ni Hon.Judge Roselyn Andrada ng RTC Branch 53, Rosales Pangasinan.

Ang konsehal ay ipinagharap ng magkahiwalay na kaso ng paglabag sa Section 5 ng RA  7610 at serious Illegal detention sa ilalim ng Criminal Case no.7345-R ng biktimang itinago sa pangalang Mara.

Walang inirekomendang piyansa sa pansamantalang paglaya ng suspek na ngayon ay nasa kustodya na ng BJMP Rosales, Pangasinan.

Ayon kay Professor Salvador Singson-De Guzman, chairman ng Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling Inc.na siyang tumulong sa biktima na itinago sa pangalang Aileen, na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Pinagsamantalahan umano si Aileen sa  loob ng isang hotel sa Rosales, Pangasinan noong Abril 17 hanggang 22, 2021.

Si Aileen ay pamangkin ni Cynthia Alvarida, live in partner ng konsehal at ­kinalinga ng mga ito bilang kasambahay sa nirerentahan nilang bahay sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Minsan nang itinanggi ng suspek ang mga akusasyon sa kanya nang makailang ulit itong makapana­yam sa ilang lokal na himpilan ng radyo.

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with