^

Probinsiya

Rider sinuyod ng inantok na driver, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider nang suyurin ng kasalubong na kotse matapos umanong makatulog ang driver nito sa kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Hway, Brgy. Buck Estate, bayan ng Alfonso, dito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Arnold Caluya, 36-anyos, may asawa na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan habang wasak na wasak ang minamaneho nitong motorsiklo.

Nasa kritikal namang kondisyon sa ospital ang driver ng kotse na nakabangga sa biktima na si Jean Paolo Tenorio, 29.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Deverson Salinas, alas-9:30 ng ­umaga habang sakay ang biktima ng Suzuki MC red, 2013 model, plate NC58201 at ­bumabagtas sa kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Highway sa Brgy. Buck Estate nang salpukin ng kasalubong na Geely Coolray SX11G.S, conduction T0H264 na minamaneho ni Tenorio at may kabilisan umano pareho ang takbo ng mga ito.

Sa lakas ng impact, wasak na wasak ang motorsiklo at napuruhan ang driver nito habang dumirteso sa kanal ang naturang kotse.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with