^

Probinsiya

4 stranded na mangingisda sa Bataan na-rescue ng Navy

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MARIVELES, Bataan, Philippines — Nailigtas kamakalawa ng Philippine Navy ang apat na mangingisda na dalawang araw nang stranded sa karagatang sakop ng bayang ito matapos masira ang makina ng kanilang sasakyang pandagat. 

Kinilala ang mga nasagip na sina Joshua Matugas, Rainiel Castillo, John Rollie Soliman at Roger Valencia, pawang mga residente ng Naic, Cavite.

Ayon kay Philippine Navy Fleet, Public Affairs Office chief, LCmdr Ryan Luna, nagsanib ang dalawang barko ng Philippine Navy na pinangunahan ng warship na BRP Jose Rizal (FF150) at ang BRP Manobo (LC297) upang mailigtas ang apat na mangingisda na palutang-lutang sa karagatan simula nang ma-stranded sila noong Setyembre 16, 2021.

Nakatanggap umano ng radio call ang mga barko mula sa acting commanding officer ng frigate FF150 na si Cdr Paul Michael Hechanova kaugnay sa napaulat na nasirang bangkang de motor, dahilan para agad na mag-maniobra ang BRP Manobo sa kung saan naroon ang apat na mangingisda.

Sa pangunguna ni Cdr Danish Ruiz, commanding officer ng BRP Manobo ay matagumpay na na-rescue ang apat na tauhan ng F/B Jhon and Jane.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with