^

Probinsiya

86-anyos lola kasamang natupok ng bahay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Bacacay, Albay, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 86-anyos na lola matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa islang lugar ng Brgy. Tanagan ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Halos hindi makilala nang matagpuan ng mga ru­mespondeng kasapi ng Bureau of Fire Protection ang sunog na bangkay ng biktima na si Salvacion Barcellano Baral. Maswerte namang nakalabas sa nasusunog na bahay ang kasama nitong anak na si Jesus Baral, 45-anyos.

Sa ulat, pasado alas-3 ng madaling araw nagulat ang mga residente ng nakitang naglalagablab na ang bahay ng mag-ina. Sa lakas nang hangin ay mabilis na kumalat ang apoy sa buong bahay na yari lamang sa kahoy. Sa bilis nang paglaki ng apoy ay napatalon sa bintana ang anak na si Jesus pero naiwan ang nanay sa loob na hindi na nagawa pang iligtas.

Lumalabas na umuwing lasing si Jesus at nagluto ng noodles pero nakatulog kaya napabayaan ang niluluto dahilan para lumaki ang apoy.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with