^

Probinsiya

Eroplano bumagsak sa Bulacan, 2 sugatan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Eroplano bumagsak sa Bulacan, 2 sugatan
Ang Cessna plane na bumagsak sa Plaridel, Bulacan na ikinasugat ng piloto at co-pilot nito kahapon ng umaga.
Omar Padilla

PLARIDEL, Bulacan, Philippines — Isang maliit na eroplano ang bumagsak sa madamong lugar sa Barangay Agnaya ng bayang ito at himalang nabuhay ang piloto at co-pilot nito na nagtamo lamang ng galos sa katawan kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe ang dalawang nasugatan na sina Captain Paul Jimuel Gayanes, 26-anyos, piloto at Lebon Eisen Sandoval, 26-anyos, estudyante at nagsisilbing co-pilot.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:40 ng umaga nang sumabit ang pakpak ng 2-seater Cessna-152 sa isang puno ng acasia sa nasabing barangay.

Palipad pa lang ang nasabing eroplano mula sa Plaridel airport nang aksidenteng sumabit ito sa nasabing puno na siyang naging dahilan ng pagbagsak nito sa madamong lugar sa nasabing barangay.

Nagtamo lamang ng sugat sa mata ang piloto ng eroplano at galos naman sa katawan ang estudyante na mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan sa Plaridel.

Makailang beses na ring may bumagsak na Cessna plane sa nasabing lugar na karamihan sa naging dahilan ay ang pagkasira ng makina.

Ang nasabing lugar ay training ground ng mga estudyanteng nag-aaral maging piloto na itinuturing na isa sa pinakamalaking aeronautics school sa bansa.

vuukle comment

PLANE CRASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with